Naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ilang mga branded at mamahaling mga bag, sapatos at iba pang mga kagamitan na aabot sa higit P6-milyong halaga.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC), kabilang sa mga mamahaling brand ng nasabat na mga kagamitan ay ang mga sumusunod: Prada, Gucci, Hermes, Louis Vuitton, Chanel, Christian Dior, at Valentino.
TINGNAN: Tinatayang higit P6-milyong halaga ng mga branded at mamahaling mga bag, sapatos at iba pang mga kagamitan, nasabat sa NAIA (: BOC) pic.twitter.com/CZMyVzS8D7
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 18, 2020
Pero ayon sa BOC, nauna itong idineklara bilang mga shampoo at iba’t-ibang mga damit sa halip na mga mamahaling bag na aabot sa higit 150 ang bilang.
Kasunod nito, ayon kay Carmelita Talusan, district collector ng ahensya, sasailalim sa seizure at forfeiture proceedings ang naturang kargamento at nahaharap din sa paglabag sa Customs modernization and tariff act.
Samantala, alinsunod sa direktiba ng liderato ng BOC, inirefer na ang naturang kaso sa Bureau Action Team Against Smugglers para matukoy at mapanagot ang mga personalidad na nasa likod ng smuggling.