Aprubado na ang 7 malalaking infrastracture project na nagkakahalaga ng P63.6 billion pesos.
Kabilang dito ang extension ng LRT 2 sa Port Area, Maynila at Diversion ng World Bank Funds para sa pagkukumpuni ng mga kalsadang nasira sa bagyong Yolanda.
Ayon sa NEDA o National Economic and Development Authority, ang implementasyon ng mga naturang proyekto ay nakalusot na sa board na pinamumunuan ni Pangulong Noynoy Aquino.
Paliwanag ni Economic Planing Secretary Arsenio Balisacan, bahagi ito ng istratehiya upang mapalago ng mga sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo.
By Jelbert Perdez