Umaabot sa mahigit 700 bilyong piso ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga non communicable diseases.
Batay ito sa joint report ng Department of Health, World Health Orgnization, United Nations Development Programme at United nations Interagency Task Force on the Prevention and Control of Non Communicable Diseases.
Kabilang anila sa nawawala sa ekonomiya ang mga nagagastos para sa pagpapagamot sa mga tinamaan ng non communicable diseases.
Gayundin ang tinatawag na “indirect hidden costs” mula naman sa nababawasang productivity sa trabaho ng mga may sakit o maagang pagkamatay ng mga ito.
Ayon din sa ulat, 68 percent ng bilang ng pagkamatay sa Pilipinas ay bunsod ng mga non communicable diseases tulad ng cancer, heart disease, diabetes, stroke at chronic respiratory disease.
Naiuugnay naman ito sa mga maling pamumuhay ng mga Pilipino tulad ng paninigarilyo, kakulangan sa masusustansiyang pagkain, kawalan ng mga aktibong pamumuhay at iresponsableng pag-inom ng mga alcoholic drinks.