Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P842.5 million pesos na quick response fund o QRF para sa mga El Niño-related programs ng gobyerno.
Ayon sa DBM, gagamitin ang bahagi ng nasabing pondo sa pagbili ng food packs, cash at food for work program funds, pansamantalang tirahan at pambili ng mga dagdag na relief supplies sa mga lugar na matinding naapektuhan ng El Niño.
Ipinabatid ng DBM na kabilang sa mga sangay ng pamahalaan na mabibigyan ng quick response funds ay ang DSWD, Department of National Defense, DPWH, Department of Education at Department of Agriculture.
Sa kasalukuyan, may natitira pang 471 billion pesos na budget para sa QRF.
By Meann Tanbio