Inaresto ng mga awtoridad mula sa lungsod ng taguig ang dalawang drug suspect sa magkahiwalay na buybust operation nito.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Vicente Danao ay nakumpiska sa naturang operasyon ang higit sa P1 milyong halaga ng shabu.
Mababatid na nahuli rito ang isang babaeng tulak ng droga, kung saan narekober ang isang bag na naglalaman ng mga sachet ng shabu na tinatayang nasa 145 grams at may street value na 918,000.
Habang ang isa namang drug suspek ay nakuhaan ng nasa 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng 340,000.
Bukod dito, may nakuha ring isang baril at bala sa naturang suspek.
Kasunod nito, ang dalawang nahuling suspek ay nakakulong na sa Taguig City Police Station at nahaharapa sa kasong paglabag sa ra 9165 o comprehensive dangerous drugs act.