Mahigit 100 madre sa isang kumbento sa Quezon City ang nag positibo sa COVID-19.
Dahil dito, ini-lockdown na ang Religious of the Virgin Mary Convent, Martes ng madaling araw.
Sinasabing ang 103 madre na karamihan ay senior citizens ay nahawahaan ng isang driver o messenger na madalas utusang kumuha ng pagkain at mga dokumento sa labas.
Nangangamba ang awtoridad na tumaas pa ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 dahil isasalang din sa swab test ang 300 pang indibidwal na nakatira rin sa kumbento.
Una nang ini-lockdown ang isang orphanage sa Quezon City matapos mag positibo sa COVID-19 ang 122 mula sa 168 na mga nakatira sa nasabing pasilidad.