Mahigit 14,000 na mga paaralan sa bansa ang handa nang magsimula ng limitadong face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Malcolm Garma, assistant secretary ng Department of Education, patuloy ang kanilang ahensya sa pagdaragdag ng mga paaralan na maaari nang magdaos ng in-person classes.
Binigyang-diin ni Garma na kailangan ang basbas ng mga local governments bago ang pagbubukas ng face-to-face classes at maaari pa ring piliin ng mga magulang ang distant learning para sa kanilang mga anak.
Hindi rin aniya required na bakunado ang mga estudyante upang makalahok sa face-to-face classes.
Ayon sa DepEd, mayroong 47,000 pampublikong paaralan at 12,000 pribadong paaralan sa bansa.