Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,553 na bagong kaso ng COVID-19 virus sa bansa, kahapon.
Sinabi ng kagawaran na mula October 31 hanggang November 6, aabot sa 6,436 ang bagong kaso.
Nasa 907 ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo na mas mababa ng 30% kumpara sa mga kaso noong October 24 hanggang 30.
Aabot naman sa 3,929,981 ang gumaling sa sakit habang 64,291 ang nasawi.
Nananatili ang National Capital Region sa may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 3,106, sinundan naman ng Calabarzon na may 1,942, Region 6 na may 1,352 at Region 9 na may 906. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla