Aabot sa 1,590 families o 6,702 individuals mula sa 57 barangays sa Region 11 at Caraga Region ang apektado pagbahang dulot ng malakas na pag-ulan na dala ng Bagyong Vicky.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, karamihan sa mga nasabing pamilya ay pansamantalang tumutuloy sa 58 evacuation centers sa mga naturang rehiyon.
Nasa limang kalsada naman at isang tulay ang nasira sa Caraga, Eastern Visayas at Region 11 dahil sa bagyo.
Samantala, sinasabing pumalo naman sa P105 milyon ang halaga ng naging pinsala sa imprastruktura ng nagdaang bagyo sa Caraga Region.