Ilalagay sa stand-by mode ang mahigit sa 2,000 sundalo, para sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, Hulyo 27.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) PIO Chief Lt. Col. Noel Detoyato, mananatili ang mga sundalo sa kani-kanilang kampo, at magsisilbi lamang silang support forces para sa Pambansang Pulisya.
Sinabi ni Detoyato na hindi muna magtataas ng alerto ang AFP, dahil wala naman silang namo-monitor na anumang banta sa seguridad sa araw ng SONA ng Pangulo.
By Katrina Valle | Jonathan Andal