Umabot na sa mahigit 33 milyong scam text ang na-block ng Globe telecom sa loob ng dalawang linggo o simula noong September 28 hanggang October 13.
Nangangahulugan ito na 2.4 million scam text ang natatanggap ng mga Globe user kada araw.
Ayon kay Globe chief information security officer Anton Bonifacio, naka-gagambala ang scam messages sa mga customer dahil sa napakalaking bilang ng natatanggap na SMS.
Gumastos aniya sila ng 1.1 billion pesos upang palakasin ang kanilang laban spam at scam.
Matatandaang ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga telco na i-block ang mga text message para makaiwas sa mga manloloko.
Nagpaalala naman ang Globe sa kanilang customer na mag-ingat sa mga natatanggap na text message at iwasang i-click ang mga link. —mula sa panulat Jenn Patrolla