Nasa mahigit 3 milyong passport na ang nai-deliver ng APO Productions Unit Incorporated o APO sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa unang siyam na buwan ng taong ito.
Sinabi ni APO chairperson Ricky Alegre na nasa 3,062,300 na passport ang nailabas mula Enero hanggang Setyembre.
Sa dami aniya ng passport na inilabas at idine-deliver nila ay nagpapakita lamang ito na maraming mga kababayan ang nais bumiyahe, magtrabaho o magbakasyon.
Sinabi pa ni Alegre na wala pa silang naitatalang backlog sa pagde-deliver ng passport.
Tatagal naman ang kasunduan sa pagitan ng APO at DFA hanggang 2025.