Nasa mahigit 400K overseas Filipino workers (OFW) ang napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pilipinas.
Ang mga OFW na pinauwi ng DFA ay mula sa iba’t ibang bansa kung saan nagsimula ang pag-repatriate sa mga distressed Filipino noong 2020.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola, umakyat na sa 460,383 overseas Filipino ang nakabalik na ng Pilipinas sa pamamagitan ng DFA-facilitated repatriation program.
Ang kabuuang Repatriated Nationals ay kinabibilangan ng 354,382 land-based overseas Filipinos at 106,001 na seafarers.
Sa kabilang banda, nagsasagawa naman ang DFA ng “separate round” ng repatriation para sa mga Filipino sa Sri Lanka na apektado ng krisis sa ekonomiya.