Tinatayang aabot sa 47,785 na mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa buong bansa ang inaasahang boboto sa darating na halalan sa May 9.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, tanging ang mga tumatakbo lamang sa national position ang maaari nilang iboto gaya ng presidente, bise-president, mga senador at isang party-list.
Ipinaliwanag din nito na kung ang botante ay nasa 50 pababa sa pasilidad, kinakailangang dalhin ang mga ito sa polling precint para makaboto kung saan naglaan ng special lane awtoridad sa PDLs habang nakabantay ang tauhan ng PNP o AFP.
Dapat din daw mayroong court order na pinapayagan sila lumabas para bumoto.
Pero kung 50 pataas naman ang bilang ay sa mismong pasilidad na ang kanilang gagamitin bilang special polling place at mismong tauhan ng COMELEC ang pupunta sa kanila para isagawa ang pagboto.
Samantala, titignan namang ng mga nurse ang mga botanteng PDLs na may sintomas ng COVID-19 sa mismong araw ng eleksyon at ite-test sila gamit ang antigen kits.