Pumalo na sa 52, 262 ang mga batang nasa edad lima hanggang 11 taong gulang ang naturukan na ng COVID-19 simula nang umarangkada ang pediatric vaccination sa bansa.
Sinabi ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay mula sa 56 na vaccination sites na itinalaga sa buong bansa.
Habang nasa apat naman sa nasabing bilang ang nakaranas ng adverse events following immunization o AEFI o non-serious reactions matapos mabakunahan ng Pfizer vaccines.
Karaniwan sa mga naranasan ng mga bata ay ang pananakit ng tinurukan na parte ng braso, pagkakaroon ng rashes, pagtaas ng blood pressure, lagnat at pagsusuka.
Samantala, agad namang nawala ang reactions na naranasan ng mga nasa naturang age group.