Pumalo na sa 57, 037 pamilya o nasa 228, 872 indibidwal ang naitala ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang naapketuhan ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian.
Base sa ulat ng NDRRMC, ang mga apektadong pamilya ay mula sa region 1,3 , CALABARZON, MIMAROPA, Region 6, CAR at NCR.
7,431 na pamilyang apektado ay nanatili ngayon sa 319 na evacuation centers habang 7,595 na pamilya ay nakitira sa kanilang kaanak.
Bukod dito, tatlo ang nasawi dahil sa sama ng panahon , isa dito ay 39 anyos na babae na mula sa Camp 8, Kennon Road Baguio.
Habang anim naman ang naitalang sugatan habang isa ang nawawala.
Samantala, nakatutok ang NDRRMC sa sitwasyon sa mga lugar na nakakaranas ng sama ng panahon.