Anim na bilyong piso (P6-B) o isang porsyento na lamang ng higit sa P660 bilyong pondo ng Bayanihan 2 ang hindi pa nagagastos ng pamahalaan.
Ito ang tugon ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte makaraang sabihin kamakailan nina Senate President Tito Sotto III at Senador Ping Lacson na ilang pondo pa ng naturang Bayanihan 2 ang hindi pa rin nagagamit.
Giit ng pangulo, sang-ayon sa tugon ni Lopez, marapat lamang aniya na makinig ang mga kritiko sa report ng ahensya pagdating sa usapin ng Bayanihan fund na pondo pangtugon sa pandemya.
Samantala, noon pang katapusan ng hunyo nang mapaso ang Bayanihan 2.