Hanggang 1,000 trekkers lamang ang papayagang umakyat sa Mt. Apo sa Holy Week.
Ayon sa Protected Area Management Board o PAMB, lilimitahan na ang bilang ng mga hikers sa bundok upang maiwasan ang forest fires.
Giit ng PAMB, natutuyo na kasi ang mga damo sa tuktok ng Mt. Apo bunsod ng El Niño phenomenon kaya’t madali itong masunog.
Paliwanag ni Digos Investment Promotion Officer Edgardo Elera, wala nang suplay ng tubig sa lugar dahil tuyo na ang mga ilog.
Ikinu-konsidera na rin umano ng mga awtoridad ang pagsasara sa summit ng Mt. Pulag sa 2017 para iligtas ito mula sa tuluyang pagkasira.
By Jelbert Perdez