Pansamantalang sinuspinde ang hiking at trekking activities sa Mount Pulag sa benguet kasunod ng naganap na forest fire.
Ayon kay Ivy Carasi ng Office of Civil Defense sa Cordillera, sumabog ang isang butane stove na sinindihan ng isa sa mga nagka-camping dahilan upang rumesponde ang mga bumbero.
Bagama’t nilamon ng apoy ang damuhan malapit sa camp sites, wala namang nasaktang hiker o kaya’y na-stranded sa lugar.
Nilinaw naman ng pamunuan ng parke na ang mga nakapag-book na para sa mga susunod na araw ay papayagang pumasok sa four lakes, isang sikat na destinasyon sa bayan ng Kabayan, Benguet Province.