Ang ridge ng High Pressure Area (HPA) ang nakakaapekto sa hilagang Luzon.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulo-pulong pagkidlat pagkulog ang mararanasan sa buong bansa.
Iiral naman sa Luzon at Visayas ang katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang silangan at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-alon.
Sa nalalabing mga baybayin ng bansa mararanasan naman ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng hangin mula sa hilagang-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon.
By Mariboy Ysibido