Patuloy na tinututukan ng pamahalaan ang mga developments hinggil sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Amerika at ng North Korea.
Dahil dito, nag-abiso ang Office of the Civil Defense (OCD) sa mga residente ng Hilagang Luzon sa posibleng epekto ng mga bantang pag-atake ng NoKor sa Guam na teritoryo ng Amerika.
Ayon kay OCD Deputy Administrator Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na opisyal sa Hilagang Luzon para sa mga contingency measures sakaling totohanin ng pyongyang ang banta nitong missile attack sa Guam.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala sina Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana na baka sumablay ang pagpapalipad ng missile ng NoKor kung saan, sa Pilipinas sa halip na sa Guam pinangangambahang tumama ito.