Maaaring tumanggap ng mga allowances mula sa ibang ahensiya ng pamahalaan ang OSG o Office of the Solicitor General.
Ito ang iginiit ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa ginta ng COA o Commission on Audit report na ilang mga dati at kasalukuyang abogado sa ilalim ng OSG ang tumanggap umano ng sobra-sobrang allowances.
Ayon kay Hilbay batay sa Presidential Decree number 472, Executive Order number 292 at Republic Act number 9417 nakasaad na awtorisado ang pagkakaroon ng mga karagdagang allowance ng Solicitor General at mga tauhan nito bukod pa sa kanilang regular na sweldo.
Sinegundahan din ni Hilbay ang naging paliwanag ng kampo ni SolGen Jose Calida na hindi maaaring madaig ng COA circular na naglilimita sa maaaring tanggaping honoria at allowances ng OSG ang batas na pinagtibay ng Kongreso.
Binigyang diin din ni Hilbay na isa sa mga dahilan kung bakit pinayagan ang mga karagdagang allowances ng osg ay upang mapanatili ang mga magagaling na abogado sa pamahalaan at maiwasang mapirata ng mga malalaking law firms o korporasyon.