Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi nito ipapatupad ang panukala na hilingin sa publiko na magpakita ng patunay ng mga booster shots laban sa COVID-19.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, na hihintayin muna ng kagawaran ang IATF-EID na magdesisyon sa panukalang mag-require ng ikatlong bakuna.
Dadag pa ng PNP Chief, na ang pnp ay sumusunod lamang sa mga local executive order na nagpapahintulot sa mga indibidwal na fully vaccinated na makapasok sa mga establisyimento.
Samantala, hinihikayat ni Carlos ang kanyang mga tauhan na magpa-booster shot sa pinakamaagang panahon dahil sa likas ng kanilang trabaho para mas protektahan pa kontra COVID-19. —sa panulat ni Kim Gomez