Kinatigan ng Supreme Court (SC) ang hiling na Bill of Particulars ni Senador Juan Ponce Enrile kaugnay sa reklamong plunder na inihain laban kanya ng Office of the Ombudsman dahil umano sa pagkakasangkot sa pork barrel fund scam.
Sa botong 8-5, partially granted ang petisyon ni Enrile na kumukwestyon sa pagbasura ng Sandiganbayan sa kanyang Motion for Bill of Particulars.
Inatasan naman ng SC ang Tanodbayan na magsumite ng Bill of Particulars na naglalaman ng detalye ng kaso laban kay Manong Johnny.
Kung nanaiisin din ng mambabatas ay maaari nitong baguhin o kumpirmahin ang kanyang plea sa Anti-Graft Court.
Gayunman, nilinaw ni Atty. Theodore Te, Tagapagsalita ng Korte Suprema na hindi ito nangangahulugan ng rearraignment.
Sa petisyon naman ni Enrile, iginiit nito na ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kanyang Motion to Bill of Particulars ay pagkakait sa kanya ng due process at seryosong paglabag sa kanyang constitutional right na mabigyan ng impormasyon hinggil sa detalye ng mga isinampang kaso laban sa kanya.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)