Idinepensa ng Social Security System o SSS ang kahilingan nilang maitaas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS sa lalong madaling panahon.
Ayon kay SSS President Emmanuel Dooc, noong nakaraang taon pa sana nila itong target na maipatupad matapos ang implementasyon ng mga dagdag na benepisyo sa kanilang mga miyembro.
Gayunman, tama aniya ang timing ngayong taon dahil mas malaki na ang take home pay ng mga SSS members matapos maipatupad ang Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Sa ilalim ng panukala ng SSS, magiging 14 percent ang kontribusyon ng miyembro mula sa dating 11 percent.
“Kumbaga na-delay na yan ngayon, kaya ngayong taon sana maisakatuparan na namin upang mapalakas namin ang pondo, ang financial condition ng SSS at matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kasapi.” Pahayag ni Dooc
(Balitang Todong Lakas Interview)