Haharangin ng Department of Justice (DOJ) ang anumang hiling na isailalim sa hospital arrest ang magkapatid na Joel at Mario Reyes, na kapwa akusado sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang maituturing na pag-abuso sa justice system ang hiling ng mga mayaman at maimpluwensyang bilanggo na sumailalim sa hospital arrest.
Tiniyak din ni de Lima na kokontrahin din ng kagawaran ang anumang tangka ng magkapatid na ipagpaliban ang kanilang arraignment.
Inaasahan na rin anya nila ang posibleng paghahain ng application for bail ng dalawang akusado subalit dapat muna itong sumailalim sa hearings at busisiin ng RTC.
By Drew Nacino