Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang hiling na maibalik ang Oplan Tokhang sa Pilipinas sa ilalim ng Administrasyong Marcos.
Ito’y matapos hilingin ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na ibalik ang dating programa, para mapababa ang bilang ng mga sangkot sa krimen at iligal na droga.
Kumpiyansa si Dela Rosa na malaki ang naging ambag ng epektibong pagpapatupad ng programa sa pagsuko ng mga drug user.
Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, tinitignan na nila ang posibleng pagbabalik ng Oplan Tokhang para sa kampanya kontra iligal na droga na siyang tatalakayin ni PNP Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa susunod na pagpupulong ng kanilang ahensya.