Binigo ng AMLC o Anti-Money Laundering Council si Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang kahilingang maipalabas ang bank record ni Pangulong Duterte.
Batay sa sulat ng AMLC, ang hiling ni Trillanes na buksan ang mga bank accounts ng Pangulo ay lalabag sa RA 1405 o Bank Secrecy Law.
Paliwanag ng AMLC, maaari lamang nila itong kung may imbestigasyon sa isang ilegal na aktibidad o may nagaganap na laundering offense.
Kakailanganin din umano ang paghingi ng permiso mula sa Court of Appeals para makapagsagawa ang AMLC ng bank inquiry.
By Krista de Dios