Tinanggihan ng AFP ang kahilingan ni MNLF Founder Nur Misuari na suspendihin muna ang operasyon kontra Abu Sayyaf para maipagpatuloy ang negosasyon sa pagpapalaya sa nalalabing bihag ng mga bandido
Sinabi ni AFP Spokesman Brig Gen Restituto Padilla na mahalaga ang operasyon habang nagaganap ang negosasyon subalit magbibigay daan naman aniya sila kung magkakaruon ng turn over o paglilipat ng mga bihag sa mga otoridad
Ayon kay Padilla nagiging ugat ng pagtakas ang pagtigil ng operasyon ng militar para maituloy ang negosasyon sa tuluyang paglaya ng mga bihag ng mga bandido
By: Judith Larino