Nakakuha ng mga suporta ang petisyon ng mga mamamahayag sa Korte Suprema na payagan ang live coverage sa pagbaba ng hatol sa Maguindanao massacre case.
Sa isang statement, sinabi ni Senador Leila De Lima na naunawaan nya kung gaano kahalaga na maisapubliko ang bawat detalye sa kaso.
Maging si Archbishop Martin Jomuad ng Ozamis ay sumuporta sa apela ng media para sa live coverage.
Naniniwala ang arsobispo na dapat maging paborable sa mga biktima ang hatol upang hindi ito umani ng pagkundena mula sa publiko.
Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang ibat ibang media organization upang payagan ang live streaming at live coverage sa pagbaba ng hatol sa tinatayang isandaang akusado sa Maguindanao massacre case.