Hindi ibabalik ng Kamara ng buo ang panukalang Budget ng CHR o Commission on Human Rights para sa susunod na taon.
Mula sa mahigit 600 Milyong Piso sinabi ni House Appropriations Committee Chair Karlo Nograles na 508 Million Pesos lamang ang aaprubahan nilang 2018 budget ng CHR.
Ipinabatid ni Nograles na ibinawas nila sa panukalang budget ng CHR ang ilang bahagi ng MOOE o Maintenance and Other Operating Expenses tulad ng traveling expenses at subscription expenses.
Magugunitang binawi ng Kamara ang naunang inaprubahang isanlibong Pisong budget ng CHR para sa 2018.
SMW: RPE