Hindi inaprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang request para sa pagtataas ng presyo ng ilang mga basic commodities sa merkado.
Una nang nanawagan ang mga manufacturers ng gatas, laundry detergent, canned meats, at ilang pampalasa, ng P0.15 hanggang P2.00 taas presyo.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, sa ngayon ay pinag aaralan pa rin nila ang iba pang mga requests na kanilang natanggap.
Aniya, may kamahalan na ang ginagamit na raw products ng ibang mga produkto.
Samantala, siniguro naman ng ahensya na walang paggalaw sa presyo ng mga basic commodities hanggang sa buwan ng Pebrero.