Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Senador Leila de Lima na pigilan ang Department of Justice (DOJ) sa pagdedesisyon sa kasong kriminal laban sa kanya may kaugnayan sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Sa desisyon ng CA Special 6th Division, tumanggi ang Appellate Court na maglabas ng temporary restraining order (TRO) pabor kay De Lima, dahil sa kabiguan ng Senadora na patunayan na makararanas siya ng irreparable loss kung hindi pagbibigyan ang kanyang hirit.
Sa halip, inatasan ng CA ang Justice department na magkomento sa nasabing petisyon sa loob ng sampung (10) araw.
Mayroong ding sampung (10) araw si De Lima para mag-reply sa komento ng DOJ.
By Meann Tanbio