Nakabitin pa rin ang kahilingan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kay Pangulong Benigno Aquino III na pagpapalaya sa mga maysakit, matatanda at abandonadong mga preso sa buong bansa.
Matatandaang bago dumating si Pope Francis sa bansa noong Enero ay hiniling na ng CBCP kay Pangulong Aquino ang pagpapalaya sa mga matatanda at maysakit na mga preso subalit walang aksyon ang palasyo.
Ayon sa CBCP, halos mag-iisang taon na ang kanilang hiling at sana ngayong pasko ay magkaroon na ito ng katugunan mula sa pangulo.
Batay sa records ng Bureau of Corrections, 704 na kaso na ang isinumite nila sa board of pardons and parole para ma-review, 18 sa mga ito ay pawang senior citizens , at 6 ang terminlly ill o nasa bingit ng kamatayan.
By: Aileen Taliping (patrol 23)