Pinaboran ng korte suprema ang pagkakaluklok ni Frank Ong Sibuma bilang alkalde ng Agoo, La Union.
Ibinasura ng korte suprema ang Commission on Election (COMELEC) resolution na nagkakansela sa Certificate of Candidacy (COC) na isinumite ni Sibuma gayundin ang Writ of Execution na nagpapawalang bisa sa proklamasyon ni Sibuma at sa halip ay ideklarang panalo si Stefanie Eriguel Calongcagon.
Nag-ugat ang petisyong kanselahin ang COC ni Sibuma dahil sa pagsasabi umano nitong nakatira siya sa Barangay Sta. Barbara Gayung residente siya talaga ng San Eugenio sa Aringay.
Sinabi ng high tribunal na hindi naging makatuwiran ang COMELEC 2nd Division sa kautusan nitong kanselahin ang COC ni Sibuma nang hindi inaalam kung sadyang may false representation.