Hiniling umano ni dating Senador Bongbong Marcos ang isang simpleng seremonya para sa paglilibing ng kanayang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sa press brieifing kahapon sa Kampo Crame, sinabi ni NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, nakausap na nila ang dating Senador.
Simpleng seremonya lamang, aniya, ang hiling ng pamilya Marcos upang maiwasan ang anumang banggaan ng mga pro at anti Marcos.
Sinabi rin, aniya, ng dating Senador na walang magaganap na parada sa mismong araw ng libing.
Gayunman, ayon kay Albayalde, hindi pa napagkasunduan kung kailan ang eksaktong petsa ng paghihimlay sa dating Pangulo at kung ililipad ba ang labi nito hanggang sa Libingan ng mga Bayani.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal