Pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na mga dokumento na susuporta sa inihain nilang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kabilang sa mga ito ay ang mga dokumentong naglalaman umano ng mga iregularidad sa High Tribunal tulad ng mga kuwesyunableng desisyon nito na hindi dumaan sa En Banc.
Gayunman, sinabi ng High Tribunal na hindi muna ilalabas ang mga hinihinging dokumento ng VACC hangga’t hindi pa nareresolba ng En Banc ang memorandum ni Associate Justice Teresita Leonardo – De Castro.
Kasunod nito, pormal na ring humiling si Atty. Larry Gadon na isa sa mga petitioners sa impeachment laban kay Sereno ng mga kaparehong dokumento para ipang-suporta sa kaniyang inihaing reklamo laban din sa punong mahistrado.