Nanawagan si Senadora Leila de Lima sa pamunuan ng Philippine National Police o PNP na payagan siyang tumanggap ng bisita sa araw ng Pasko sa Disyembre 25 at Bagong Taon, Enero 1.
Ito ay dahil nataon ang dalawang nasabing okasyon sa araw ng Lunes kung saan “no visitors day” para kay De Lima.
Sa isinumiteng sulat ni De Lima kay Chief Inspector Erickson Polinag ng PNP Custodial Center, humihingi ang senadora ng konsiderasyon, alang-alang sa diwa ng Kapaskuhan, na makasama ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan.
Hiniling ni De Lima na payagan siyang tumanggap ng bisita mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa araw ng Pasko at Bagong Taon.
Ito ang unang pagkakataon na magpapasko at magbabagong taon si De Lima sa loob ng bilangguan matapos arestuhin at makulong noong Pebrero dahil sa kasong iligal na droga.
(Ulat ni Cely Bueno)