Tuluyang masugpo ang iligal na droga sa bansa.
Ito ay ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa, ang kanyang tanging kahilingan sa Itim na Nazareno.
Ayon kay Dela Rosa, wala siyang ibang naiisip na hiling kundi ang ganap nang matapos ang problema ng bansa sa droga sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat Pilipino.
Inilarawan naman ni Dela Rosa bilang nakakapangilabot na karanasan nang matiyempuhan niya ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quezon Bridge sa Maynila sa kanyang pagbisita at pag-iikot sa Quaipo kasabay ng traslacion.
Namataan ding nakipag-selfie ang PNP Chief sa mga deboto ng Itim na Nazareno sa Quezon Bridge.
LOOK: PNP Chief Dela Rosa takes selfie with the devotees of the Black Nazarene at Quezon Bridge, Manila @dwiz882 pic.twitter.com/a6LAstxTq8
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) January 9, 2018