Walang basehan at malabong mapagbigyan ang hirit ng Korte Suprema na temporary restraining order para sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang iginiit ni House Prosecution team member Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro dahil walang sapat na batayan ang kataas-taasang para mag-isyu ng TRO laban sa impeachment complaint na inendorso ng kamara sa Senado.
Itinanggi naman ng mambabatas ang argumento ng mga naghain ng petisyon na may pagkakamali sa verification process ng impeachment complaint dahil sumunod ito sa rules ng Kamara.
Pati ang alegasyon na ang verification page ay isiningit lang matapos maipadala sa senado ang impeachment complaint.
Binigyaan diin pa ni Representative Luistro, na hindi minadali ng kamara ang pagpapa-impeach sa Bise Presidente dahil nagkaroon sila ng pagkakataon na pag-aralang mabuti ang tatlong impeachment complaint na inihain noong 2024.