Inabswelto ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si US Presidential Candidate Hillary Clinton sa e-mail controversy na kinasasangkutan ng dating senadora at secretary of state.
Ayon kay FBI Director James Comey, sa kanilang review na ginawa ay wala naman aniyang evidence of criminality sa panig ni Clinton.
Dahil dito, nananatili ang konklusyon ng FBI na nagkaroon ng kapabayaan ngunit hindi maituturing na criminal act ang paggamit ng pribadong email ni Clinton bilang secretary of state.
Matatandaang dahil sa muling inilunsad na imbestigasyon ng FBI ay numipis ang lamang ni Clinton sa karibal nitong si Democrat Standard Bearer Donald Trump batay sa pinakahuling presidential survey.
By Ralph Obina