Gumawa ng kasaysayan si dating first lady, dating senador at dating Secretary of State Hillary Clinton matapos maging kauna-unahang babaeng nanomina para sa pagka-pangulo ng isang major political party.
Si Clinton ang pambato ng Democrat Party sa pagka-pangulo kung saan makakalaban nito ang business mogul na si Donald Trump mula sa Republican Party.
Mismong ang katunggali sa nominasyon ni Clinton na si Senador Bernie Sanders ang umatras at nagdeklara sa dating first lady bilang nominee ng Democrat.
Ikinatuwa at ilan naman ay naiyak pa sa hakbang na ito ni Sanders sa ngalan ng pagkakaisa ng kanilang partido.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP