Nagtapos na ang Democratic Presidential Primary Campaign sa pagitan nina dating US State Secretary Hilary Clinton at Senator Bernie Sanders.
Panalo si Clinton sa pagtatapos ng primaries sa Washington DC At makakaharap ang real estate tycoon at presumptive candidate ng Republican Party na si Donald Trump sa Nobyembre.
Si Clinton ang unang babae na magiging Presidential candidate ng isang major political party sa kasaysayan ng pulitika sa Amerika.
Sa primary process na sinimulan sa Iowa State noong Pebrero at nagtapos sa district of Columbia, humakot ng 2,219 delegates si Clinton laban sa 1,832 ni Sanders.
Umani rin ng suporta ang dating First lady ng suporta mula sa 581 super delegates na office bearers at elected officials ng partido laban sa 49 ni Sanders.
Sa kabuuan, mayroong 2,800 delegates mula sa 4,763 si Clinton.
By: Drew Nacino