Natunaw ang ilang bahagi ng Himalayan glacier sa India na nagbunsod ng malawak na pagbaha sa Uttarakhand matapos umapaw ang dam kung saan dumideretso ang tubig mula rito.
Pinangangambahang nasa 100 hanggang 150 katao ang bilang ng mga nasawi dulot ng pagbaha subalit hindi pa nakukumpirmang ang eksaktong bilang ng mga ito ayon kay Om Prakash, Chief Secretary ng Uttarakhand.
Ayon naman kay State police chief Ashok Kumar mayroong higit 50 katao na nagtatrabaho sa Rishiganga Hydroelectric Project, ang dam na umapaw dulot ng pagkatunaw ng yelo sa Himalayan.
Matatandaang flash flood at landslides prone area ang Uttarakhand at ilang environment groups na rin ang nanawagan silipin ang mga power projects sa mga bundok na naroroon.—sa panulat ni Agustina Nolasco