Inilahad ni Senator Christopher Bong Go ang hinaing ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ABS – CBN.
Sa naging pagdinig ng Senado sa renewal ng franchise ng ABS-CBN sinabi ni Go, hindi naman lingid na ang galit ng Pangulo ay nag-ugat noong 2016 sa kasagsagan ng election season kung saan hindi ini – ere ng istasyon ang political ads ng Pangulo gayong inilabas naman nito ang video na naglalayong siraan ang Pangulo.
Marahil po alam ng karamihan ang mga hinaing ng ating Pangulo not against ABS-CBN or its people but against some practices of network that appear to be improper and done with ill intent, ngayon po ay public knowledge na ito noong taong 2016 sa kasagsagan po ng election season ay hindi po naere ang ilang ads ng ating Pangulo, alam po din ng karamihan ang tungkol sa isang video. A video which has obviously meant to maligned the then Presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte for the purpose of destroying his reputation and turning the tide against his ovewhelming popularity that time,” ani Go.
Nagpaliwanag naman si ABS-CBN President Carlo Katigbak, umere ang lahat ng national ads ng Pangulo ngunit nagkaroon lamang ng problema sa local ads dahil sa maiksi ang oras sa mga local ads.
Sa huli ay huminge ng paumanhin ang istasyon kay Pangulong Duterte.
We were sorry if we offended the President, that was not the intention of the network we felt that we were just abidding by the laws and regulations that surround the airing of political ads and I think today we want to make up categorical statement together with our Chairman Mark Lopez, that ABS does not and will not have its own political agenda,” ani Katigbak.