Nakatakda nang lagdaan ni Justice Secretary Emmanuel Caparas ang ilan sa mga malalaki at kontrobersyal na mga kaso na naresolba na ng kanyang tanggapan.
Ang pahayag ay ginawa ng Kalihim ay kasunod ng naglabasang balita na maglalabas umano ng midnight resolution ang Department of Justice na may katapat na Monetary Consideration.
Hinamon din ni Caparas ang mga nag-aakusa sa kanya na maglabas ng ebidensya at harapin siya upang patunayan ang alegasyon na may perang sangkot sa kanilang ipalalabas na resolution bago ang araw ng kanilang pagbaba sa puwesto.
Una rito, nanawagan ang anti-Corruption Group na FATE o Filipino Alliance for Transparency and Empowerment kay President-Elect Rodrigo Duterte na tutukan ang mga isyu ng ‘Resolutions for Sale’ at ‘Midnight Resolutions’ sa DOJ
By: Meann Tanbio