Isang paring Aleman, hinatulan ng 12 taong sentensiya sa 110 kaso ng child sexual abuse sa Germany.
Isang German Catholic Priest ang sinentensiyahan ng 12 taong pagkakulong dahil sa child sexual abuse sa Berlin, Germany.
Kinilala ang suspek na si Hans ue, na nagkasala sa kabuuang isang daan at sampung kaso sa pagitan ng taong 1993 at 2018, kabilang ang 23 kaso ng pang-aabuso sa mga bata.
Ang demanda ay ang pinakabagong kaso sa isang matagal nang iskandalo na yumanig sa pinakamayamang pambansang sangay ng simbahang katoliko ng nasabing bansa.
Malugod namang tinanggap ng Roman Catholic Archbishop ng cologne ang hatol at sinabing ipinadala nito ang mga natuklasan mula sa kaso sa Roman Congregation for the Doctrine of the Faith, ang doctrinal office ng Vatican. -sa panulat ni Kim Gomez