Pinabulaanan ni PNP o Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kinokontrol siya ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Dela Rosa kaugnay sa inilabas na report ng Senado ukol sa pagpatay kay Albuera City Mayor Rolando Espinosa Sr. kung saan lumalabas ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 ang nasa likod ng pagpasalang sa alkalde upang pagtakpan ang kanilang pagkakasangkot sa iligal na droga.
Giit ni Dela Rosa, bagamat hands on na pinuno ang Pangulo, binibigyan naman aniya siya nito ng laya na mag-desisyon bilang pinuno ng Pambansang Pulisya.
Sinabi ni Dela Rosa na matagal na silang magkatrabaho ng Pangulo kayat kilala na nila aniya ang istilo at gusto ng bawat isa.
Ito ang dahilan kayat wala na aniyang kailangan para manduhan o diktahan siya ng Pangulong Duterte.
By Ralph Obina
*Malacañang Photo