Hindi bababa sa 10 katao ang patay habang 37 naman ang sugatan kabilang na ang 12 kritikal matapos madiskaril ang isang high-speed na tren na isinasailalim sa test run sa France.
Ayon sa report ng Agence France-Presse, tumatakbo sa bilis na 350 kilometer per hour ang nasabing tren bago ito madiskaril at mahulog sa kanal ng Marne Au Rhin.
Tinupok ng apoy ang tren matapos sumabog, at nagkahiwa-hiwalay
Nilinaw naman ng tagapagsalita ng Bas-rhin region na si Viviane Chevallier na walang kaugnayan ang naturang insidente sa madugo at marahas na pag-atake ng mga terorista sa Paris noong Biyernes.
Kaugnay nito, naka-deploy na ang 5 helicopter sa lugar ng pinangyarihan upang ilikas at madala ang mga sugatan sa ospital.
By: Jonathan Andal