Patay ang hindi bababa sa 17 katao habang 8 iba pa ang sugatan sa pag-atake ng isang hinihinalang Islamic extremists sa isang Turkish restaurant sa Burkina Faso West Africa.
Batay sa ulat, isang lalaki ang bigla na lamang namaril sa Azis Istanbul Restaurant na nakipag-palitan pa ng putok sa mga rumespondeng pulis.
Ayon kay Communication Minister Remi Dandjino, mula sa iba’t ibang lahi ang nasawi sa insidente kung saan kabilang ang isang French national.
Sa kalukuyan ay wala pang grupo ang umaako sa nasabing pag-atake.
By Krista de Dios